Mas bata raw si Nora nang makakuha na ng tatlong Best Actress sa MMFF: Youngest Hall of Famer award ni JUDY ANN, kino-question ng Vilmanians
- Published on September 18, 2025
- by @peoplesbalita
NAGIGING kwestyonable para sa ilang Vilmanians ang pagkakaloob kay Judy Ann Santos ng Youngest Hall of Famer Award.Ito ay matapos na makatanggap si Juday ng kanyang ikatlong Best Actress award sa MMFF. Kasabay ni Juday pinarangalan ang iba pang awardees, kasabay ng coffee table book ng 50th MMFF.
Pati ang pananalo ni Juday ng Best Actress para sa ‘Espantaho’ for the 50th MMFF ay napagdududahan na baka kaya raw ito ang nanalo, instead siguro of Vilma Santos (‘Uninvited’) at iba pang nominees ay para sure na mabigyan ng Hall of Fame award.
Maging kung bakit wala si Ate Vi sa coffee table book launch, eh, nandon na nga raw ito ng umaga for her own book launch naman.
Sinagot lahat ng MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer ang mga kwestiyon na ito. Aniya, “Our dear Ate Vi was inducted to the Hall Of Fame (as Best Actress) last 2019 along with Maricel Soriano (who both got 5 MMFF trophies and Amy Austria (who got 3); and Ate Guy (who had 8 ).
“She was invited to the MMFF Book Launch event last Friday. (Bryan Diamante told Atty Rochelle Ona that the governor just had a prior engagement. Sayang talaga, because we were all there at the MIBF na.) We would have wanted her to be there of course. (Amy sent her regrets thru Gorgy. Marya had shooting accdng to her handler.)
At sabi niya nga, “Lubog na tayo sa iba’t ibang mga issue sa bansa kapatid, tama na ang big words like fan mentality, true merit at selective recognition. Basta truth, fairness and excellence can be achieved through fact checking.”
Yun lang, after na masagot ni Noel ang mga hinaing, kinuwestyon naman kung bakit si Juday ay tinatawag na Youngest Hall of Famer, e, mas bata raw na ‘di hamak si Nora Aunor nang makakuha na ito ng 3 Best Actress.
Ang malinaw na sagot naman ni Noel dito, “Simply put —2019 unang nagbigay ng MMFF Hall kf Fame sa Rules at sa Guidelines nito … sabay sabay sina Ate Guy, Vi, Marya at Amy na nabigyan – ilang taon na sila nun?”
Siguro naman, malinaw na ha?
***
KUNG meron man pinakamasaya sa pagkakasundo nina Ms. Helen Gamboa at Senator Kiko Pangilinan, ito ay walang iba kung hindi ang Megastar na si Sharon Cuneta.
Natapos na nga ang social media detox nito at ramdam na ramdam sa kanyang caption, kunsaan, pinost niya ang video kunsaan, dinalaw ni Tita Helen, kasama ang anak na si Ciara Sotto si Sen. Kiko sa opisina nito.
Sabi ni Sharon, “God is good all the time. The first time since 2022 that my heart was able to sing again. We love you, our Mama Helen! Family is love and love always win!”
At least, okay na ang lahat. Pamilya rin kasi.
(ROSE GARCIA)