• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayroon pa ring mga taong mabuti at tapat: JON, nangakong babawi sa nagbalik ng nawalang wallet

SA gitna ng lahat ng kaguluhan sa mundo, masaya si Kapuso actor Jon Lucas na mayroon pa ring mga taong mabuti at tapat.
Naranasan niya ito nang mawala ang kanyang wallet noong inihatid niya sa paaralan ang dalawa niyang anak.
“Konting kwento lang. Naghatid sa panganay, after 1 hour si bunso naman. Ayun malakas ang ulan kanina kaya buhat buhat si Bunso habang hawak yung malaking payong papasok ng sasakyan. (Doon na siguro lumusot wallet ko). 
“Nung naka-park na kami sa Happy 11 para bumili ng kapote ng mga bata doon ko na na-realize na nawawala wallet ko. Super nataranta na ako at hindi talaga ako magda-drive hanggang hindi nakikita yon kasi nandon lisensya ko,” kuwento ni Jon sa Instagram.
Buti na lang at napulot ito ng mga water delivery men na nagtatrabaho malapit sa kanilang tahanan.
Ibinalik nila kay Jon ang pitaka nang kumpleto ang laman at walang hininging kapalit.
Ipinangako rin ng aktor na susuklian niya ang kabutihang ipinamalas sa kanya ng mga ito.
“After 10 mins ng paghahanap biglang nag-message kay misis sila kuya na nagde-deliver ng mineral water sa street namin.
“Sila nga raw ang nakakita ng wallet ko na may lamang 1K, lisensya, isang atm card at RFID. Walang labis!! Walang kulang!! MARAMING SALAMAT SAINYO!!! Bawi ako sa inyo kapag nakaahon na rin,” pagpapatuloy niya.
Isa raw itong magandang paalala sa kabutihan ng ating mga kapwa.
“Itong kapabayaan ko ang nagpapaalala sa akin na kahit sobrang sama na ng mga nangyayari sa mundo meron at marami pa ring mabubuting tao,” lahad ni Jon.
Ibinahagi din niya ang litrato niya kasama ang mga delivery men na nagbalik ng wallet niya.
Bahagi si Jon sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’.
 
(RUEL J. MENDOZA)