PBBM, umaasa na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas ng Pilipinas at mga mamamayang Filipino
- Published on September 18, 2025
- by @peoplesbalita
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling tapat ang military sa Saligang Batas ng Pilipinas at mga mamamayang Filipino.
”Huwag kalilimutan, ang panunumpa ninyo ngayon ay sa Republika at sa bawat Pilipinong nagtitiwala at dahil sa inyo, sila ay mabubuhay nang ligtas at may dangal,” ang sinabi ni Pangulong Marcos matapos pangunahan ang swearing-in ceremony para sa mga newly promoted high-ranking officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“Today is not only a milestone but a renewed pledge that your loyalty remains with the Constitution and the Filipino people,” aniya pa rin.
Umaasa rin ang Pangulo na ang newly promoted military top brass ay palaging kikilos na may integridad, maninindigan sa rule of law, at ipagtatanggol ang demokrasya.
Bilang bagong AFP officials na nanumpa sa kanilang tungkulin, pinaalalahanan niya ang mga ito na magpakita ng magandang ehemplo sa mga kabataang kalalakihan at kababaihan sa uniformed services “who will look to you for your leadership.”
“These new stars you’ll carry will demand your utmost discipline, honor, and service,” ayon sa Pangulo.
Kinilala naman ng Pangulo na ang kanilang promosyon ay “well-deserved”, tanggap at kinilala ang iba’t ibang achievements ng AFP ngayong taon.
“These accomplishments underscore the professionalism, the dedication, and the readiness of the Armed Forces,” ayon pa rin sa Pangulo.
“They also strengthen the confidence of our people in your ability to protect our sovereignty and to uphold the values that we hold as a nation,” dagdag na wika nito.
“The military has also continued to sustain readiness through training, simulations, and command exercises,” aniya pa rin.
Ang inisyatibang ito ay nagpahusay sa ‘tactical responsiveness’ AFP, tinitiyak na mananatili itong handa para idepensa ang bansa. ( Daris Jose)