Orbon namemeligro sa WOQT
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.
Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health protocol paalis ng Amerika at papasok sa Pilipinas. Dagdag pa ang mabilis kumalat at makahawang bagong variant ng pandemya kaya maraming bansa na ang bansa para pumarito.
Kaya nag-iisang babaeng pumasok nitong Biyernes, Enero 15 sa ‘Calambubble’ si Jamie Christine Lim para sa nabanggit na sport ‘binyagan’ sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset sa parating na Hulyo.
Kasama ng 30th Southeast Asian Games PH 2029 gold medalist karateka ang kapwa World Olympic Qualifying Tournament (WOQT) hopefuls sa Paris, France sa Hunyo 11-13 na sina Sharief Afif, Ivan Agustin, Alwyn Batican, Jayson Ramil Macaalay at Norman Montalvo.
Sa Europe naman patuloy na nagti-training camp si Fil-Japanese Junna Tsukii. (REC)