• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 8:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘WALANG KARAPATANG MAGBANTAY SA DAGAT ANG MGA SUMISIRA NITO” – GOITIA

MULING nagbabala si Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating mga mangingisda at sa lantad na pagkukunwari ng China sa West Philippine Sea.
Paglalarawan ni Goitia na marami nang mangingisda ang lumipat sa konstruksiyon at tinalikuran ang tradisyunal na bumubuhay sa kanila ng maraming henerasyon- ang pangingisda at ito ay dahil sa pinsala at agresyon ng China.
Matatandaan na unang tinuligsa ni National Security Adviser Sec. Eduardo Ano ang hakbang ng China na magtatag ng nature reserve sa Bajo de Masinloc kung saan hinuhuli ang mga endangered species at nasisira ang mga bahura.
Naniniwala si Goitia na hindi kailanman maituturing silang tagapangalaga dahil sila mismo ang sumira sa bahura, hindi lang pinapatay nila ang kalikasan kundi ang kabuhayan at pagkain ng pamilyang Pilipino.
Malinaw kay Goitia na ang tinatawag nilang nature reserve ay pagtatakip lamang ng kanilang illegal na layunin at ito ay makuha ang kontrol sa ating karapatan at kapalit nito ay mas matinding pangha-harass, may pamilyang mapapalayas sa pagyurak sa batas pandaigdig.
At sa huli, nagpaalala si Goitia na ang laban sa West Philippine Sea ay hindi lamang tungkol sa dagat, kundi tungkol sa mismong kinabukasan ng bayan. “Bawat bangkang nakatiwangwang ay tanda ng pagkakanulo,” aniya. “Ito ay laban ng buong sambayanan, hindi lang ng mga mangingisda.”
Nanawagan siya ng pagkilos at pagkakaisa: mula sa fuel subsidy at modernong bangka, hanggang sa pagtiyak ng ligtas na pangingisda.
 “Ang dagat ay hindi kayang ipagtanggol ng mga sumira nito,” giit niya. “Tanging mga Pilipinong mangingisda—ang mga tunay na nagmahal at namuhay kasama ng dagat—ang karapat-dapat na maging tagapangalaga. At tungkulin nating lahat na ipaglaban sila.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay kinikilala bilang Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon:, ang ABKD), PADER, LIPI at FDNY.
(Gene Adsuara)