MGA KALYE NA BAWAL PARADAHAN, INILABAS NG MANILA LGU
- Published on September 17, 2025
- by @peoplesbalita
NAGLABAS ang Manila LGU ang mga lansangan na sakop ng MMDA Regulation No 25-001 na nagbabawal sa pagparada ng mga sasakyan sa mga kalsada.Kabilang dito ang 7 na nasa ilalim ng ABSOLUTE NO PARKING ZONES o 24-oras na bawal pumarada sa kalye ang: Pres Quirino Ave; Roxas Blvd o R1; Taft Ave o R2; Magsaysay Blvd at Aurora Blvd o R6; Rizal Ave o R9; Delpan o R10 at ang 17 Mabuhay Lanes.
Habang ang mga kalye na ipagbabawal magparada o No Parking Zones sa pagitan ng 7-10 ng umaga at 5-8 ng hapon, ang Alfonso Mendoza St, Ayala Blvd, Blumentritt Rd.
Kasama rin ang Finance Rd, Guanzon St, Jose Abad Santos Ave, westbound ng Kalaw, Lawton, Legarda St, Moriones St. Onyx St, OsmeƱa Highway, Pablo Ocampo St, Mel Lopez Blvd o R10, San Andres Bukid, United Nations Ave, at Zobel Roxas St.
Samantala, nagsumite naman ng hiling na exemption ang Manila Traffic and Parking Bureau sa MMDA.
Ito ay dahil sa may ilang kalsada umano sa Maynila ang kailangan mapagamit bilang paradahan dulot ng interes ng pagne-negosyo at mga paaralan.
(Gene Adsuara)