• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:57 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Science-based crime probe methods kailangan para ma-improve ang investigative skills ng PNP   

ISINUSULONG ni Parañaque Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panukalang magpapalakas sa investigative skills ng law enforcers sa pamamagitan nang pagbibigay access sa forensic techniques at iba pang moderno at science-based methods sa pagiimbestiga sa crime scenes.

Sinabi ni Yamsuan na ang kanyang House Bill (HB) 2244 ay magco-complement sa inisyatibo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magpapalakas sa crime prevention at response efforts.

Pinapurihan naman nito ang DILG at Philippine National Police (PNP) sa pagpapalakas sa hakbang nito para sa crime prevention at gawing ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Unified 911 Emergency Response System na inilunsad noong nakalipas na linggo.

Ngunit, sinabi nito na kailangan na masiguro na kapag may naganap na krimen ay marunong ang mga pulis sa pagkalap ng ebidensiya at paggamit ng science-driven investigative methods.

Sinabi ni Yamsuan na ang paggamit ng obsolete crime investigation techniques ay nagbaba sa kredibilidad ng criminal investigations at nagaalis sa tiwala ng publiko sa law enforcement agencies.

 Kabilang sa mga outdated techniques ay  paraffin testing para madetermina ang pagpaputok ng baril na idineklara ng Supreme Court na inconclusive at unreliable at inabandona ng ibang bansa bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon

“Our methods of criminal investigation should keep pace with the rapid advances in science and technology. Enacting House Bill 2244 into law will form part of the reforms in our justice system,” pahayag ni Yamsuan.

 (Vina de Guzman)