Mga Japanese na kumpanya interesado sa operasyon ng NSCR
- Published on September 17, 2025
- by @peoplesbalita
INTERESADO ang mga kumpanya mula sa Japan na sila ang hahawak ng operasyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) matapos ang ginawang market sounding para sa P229 bilyon na deal ng nasabing railway.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) na matapos ang final leg ng market sounding para sa NSCR ay may nakuha silang mga Japanese rail builders at operators matapos na ipakita sa kanila ang operasyon at maintenance ng NSCR.
Sinabi ni DOTr undersecretary Timothy John Batan na ang mga Japanese multinationals na nagpakita ng kagustuhan ay ang Alston Japan, Hitachi Ltd., Mitsubishi Corp., Sumitomo Corp., at Tokyo Metro Co.
Ang Mitsubishi ay ang kumpanya na humawak ng P110 bilyong kontrata upang
gawin ang signaling, telecommunication at trackwork systems ng NSCR. Maliban dito sila rin ang nag produce ng airport trains na gagamitin sa pagitan ng Clark International Airport at Alabang sa Metro Manila.
Habang ang Tokyo Metro naman ay siyang may hawak ng operasyon ng 9 na linya ng subways sa Japan na nagsasakay ng 7 milyon kada araw sa may 179 na estasyon at may habang 195 kilometers na train na tumatakbo sa Tokyo, Japan.
“We are very happy to see the attendance in this fourth leg of our operations and maintenance roadshow, as it only goes to show that we are on the right direction in terms
of structuring and in developing this concession,” wika ni Batan.
Inihayag ng DOTr na ang kanilang timeline para sa bidding ng dokumento
para sa concession ay kanilang ilalabas bago matapos ang September o di kaya ay sa loob ng October. Ayon kay Batan ay dito makikita ang resulta ng ginawang four legs ng market sounding para sa NSCR.
“The DOTr held market sounding for the NSCR in Singapore, Paris and Manila
prior to the latest one in Tokyo. The goal of the market sounding is to pitch the project to prospective operators, as well obtain insights on overseas railways,” saad ni Batan.
Ang mananalo sa bidding ay siyang hahawak sa operasyon at pagmimintina ng trains ng NSCR, kasama ang mga estasyon at depot. Kasama rin dito ang interoperations sa ibang railways na tatagal ng 15 taon.
May pondo ang NSCR na nagkakahalaga ng P873.6 bilyon na tatakbo sa may 35
na estasyon at may habang 147 na kilometro sa Central Luzon, Metro Manila at Southern Luzon. LASACMAR