• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mindanao, may itatayong proyekto sa railway

NAGBIGAY ng pahayag ang Department of Transportation (DOTr) na inaayos ng

ahensiya ang mga long-delayed na proyekto na pamahalaan tulad ng Mindanao Railway

Project.

Sa ngayon ay gumawa ng bagong feasibility study para Mindanao Railway na isa sa mga pinakahihintay na proyekto sa hanay ng railways. Pinag-aaralan ang proyekto kung ang gagamitin ay ang moderno at environment-friendly na trains.

Dapat sana ang gagamiting bagon sa  Mindanao  Railway  ay ang mga diesel-

powered na bagon subalit nahihirapan humanap ng mga investors ang pamahalaan kung gagamit ng nasabing klaseng bagon dahil sa makakaapekto ito sa global warming ng

mundo.

“Almost the entire Mindano will benefit when the Mindanao Railway Project is fully completed. Rail is good for such a big island like Mindanao, with huge passenger and cargo demand in many provinces. It is considered a good project for Mindanao as the rail will cover a sizeable demand,” wika ni Nigel Paul Villarete ng PPP.

Binibigyan konsiderasyon   ng   DOTr   ang   tulong   ng   pribadong   sektor   para   sa pagtatayo ng nasabing proyekto matapos na ang pamahalaan ng China ay umayaw ng maging partner ng pamahalaan.

Ayon   naman   sa   Public-Private   Partnership   Center   na   kanilang   inaasahang matatapos ang ginawang feasibility study para sa ikatlong bahagi ng proyekto bago matapos ang taon.

Ang ikatlong  bahagi ng  proyekto  lamang  ang inaasahang  isasailalim  sa  PPP habang ang una at ikalawang bahagi ay bibigyan ng pondo sa pamamagitan ng official development assistance (ODA).

“As for the Mindanao railway, I can’t understand what’s taking so long to decide. It is an easy project, simple and easy to plan and to determine feasibility. I suspect the difficulty is getting consensus and support. It covers the entire Mindanao, with so many

provinces, and more governors and mayors are involved,” saad ni Villarete.

Ang unang bahagi ay nagkakahalaga ng P83 bilyon na tatakbo mula sa Tagum,

Davao del Norte hanggang Digos City, Davao del Sur. Inaasahang makapagsasakay ito ng 122,000 na pasahero kada araw at mababawasan ang travel time sa pagitan ng Tagum at Digos na magiging isang oras na lamang mula sa dating tatlong oras.

Naniniwala si Villarete na mahihirapan ang pamahalaan na kumuha ng consensus para sa pagtatayo ng nasabing proyekto at ayon pa rin sa kanya na dapat ay magkaroon ng malawakang pag-aaral ang gagawin ng isang independent parties at experts.

“The DOTr is wriggling its hands. It’s not a question of what kind of railway to build or what fuel. They are hesitating because they are not sure if this is the right decision,” dagdag ni Villarete.  LASACMAR