• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UP studes, sumiklab ang galit sa korapsyon sa gobyerno

Nagpahayag ng galit ang nasa 2,000 estudyante ng University of the Philippines (UP) sa nangyayaring korapsyon sa pamahalaan partikular na sa flood control projects sa bansa na ipinakita sa isinagawang “Black Friday” protest kahapon.
Ayon kay University Student Council chairperson Joaquin Buenafalor, nakadidismaya ang malawakang korapsyon sa bansa dahil ang taumbayan ang siyang  lunod sa sistema.
Kabilang sa isinisigaw ng mga estudyante ay ang CAL Faculty Center, isang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nanatiling hindi kumpleto pagkatapos ng mahigit 8 taon dahil sa umano’y katiwalian.
Bukod sa flood control projects, ikinagagalit din ng mga estudyante ang hindi maayos na social services ng pamahalaan tulad ng edukasyon at kalusugan.
“Definitely, lunod sa katiwalian habang nananatili ang control ng bureaucrat at capitalist sa ating pamahalaan. Habang nananatili ang control ng mga political dynasty, mananatiling baon o lunod sa korapsyon ang bansang Pilipinas.” pahayag ni Buenaflor.
Samantala, sa kabila nito, sinabi ni PNP Public Information Officer Chief BGen. Randulf Tuano na peaceful ang ikinasang kilos protesta mula pa nitong Huwebes at kahapon batay sa kanilang monitoring sa rally.
Una nang nagpahayag ng suporta ang UP Chancellor sa ‘Black Friday’ protest para kondenahin ang korapsyon sa gobyerno. ( Daris Jose)