• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot, kulong sa baril, robbery-extortion sa Caloocan 

ISINELDA ang isang lalaki na nanghihingi ng pera sa isang babae kapalit ng hindi pagpost online ng kanyang mga pribadong larawan at videos matapos maaresto sa entrapment operation sa Caloocan City.
Hindi na nakapalag ang 39-anyos na suspek na si alyas “Bert”, nang dambahin ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, hepe ng Northern Police District–District Special Operations Unit (NPD-DSOU) makaraang tanggapin ang marked money mula sa 21-anyos na biktima na si alyas “Rose”.
Sa pahayag sa pulisya ng biktima, tinatakot umano siya ng suspek na i-post online ang kanyang mga pribadong larawan at videos kung hindi ito magbigay ng P5,000 at hindi pumayag na makipagtalik sa kanya.
Dahil dito, humingi ng tulong ang biktima sa pulisya kaya agad ikinasa ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa isang Apartelle sa A. Mabini St., Maypajo, Brgy., 25 dakong alas-2:45 ng madaling araw.
Nasamsam sa suspek ang marked money, cellphone, at bag na naglalaman ng isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala.
Sinampahan na ang suspek ng kasong Robbery-Extortion in relation to the Cybercrime Prevention Act (RA 10175) at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)