• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagdiwang ng kanyang ika-68 kaarawan sa SALO-SALO SA PALASYO

ISANG araw bago pa ang kanyang ika-68 taong kaarawan, nagbigay na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng isang masayang Salo-salo sa Palasyo sa Kalayaan grounds ng Palasyo ng Malakanyang.
Ipinagpapatuloy lamang ni Pangulong Marcos ang tradisyon ng pagdiriwang ng kanyang ‘special day’ kasama ang mga mamamayang Filipino.
Sa katunayan, muli ay binuksan ang Malakanyang para sa publiko, mainit na tinanggap ang mga tagasuporta mula sa ibat ibang lugar sa Metro Manila at hanggang sa Ilocos region, na dumating para personal na batiin ang Pangulo sa kanyang kaarawan.
Sa kabilang dako, dumating ang Pangulo sa venue sakay ng golf cart kasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, mainit na kumaway sa crowd bago pa nakisali sa mga ito sa selebrasyon. Nakiisa rin sa nasabing okasyon ang kanyang mga anak.
Hindi naman nagbabago ang birthday wish ni Marcos mula noon hanggang ngayon at ito ay ang magkaroon ng maayos na buhay ang bawat Filipino.
Kasama aniya sa kanyang mga harangin ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng pamahalaan na tutulong lalo na sa mga mahihirap na Filipino.
Desidido rin aniya siyang abutin ang kanyang pangarap na matuldukan ang gutom sa bansa.
Samantala, ang Salo-salo sa Palasyo ay naging annual tradition sa ilalim ng administrasyong Marcos, sumisimbolo sa pagiging bukas, pasasalamat at matibay na pagbubuklod sa agitan ng Pangulo at mga taong kanyang pinaglilingkuran. (Daris Jose)