• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:40 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pangunguna ni DPWH Sec Vince Dizon… Graft isinampa vs 20 DPWH execs, 4 contractors

PINANGUNAHAN ni DPWH Secretary Vince Dizon ang pagsasampa ng kasong graft sa Office of the Ombudsman laban sa 20 opisyal ng ahensiya at apat na kontratista na itinuturong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang sa mga sinampahan ng kaso ang St. Timothy Construction Corporation, na kinakatawan ni Sarah Discaya; dating DPWH district engineer Henry Alcantara, at dating Bulacan 1st district assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Respondents din sa kaso ang mga DPWH officials na sina John Michael Ramos, Ernesto Galang, Lorenzo Pagtalunan, Norberto Santos, Jaime Hernandez, Floralyn Simbulan, Juanito Mendoza, Roberto Roque, Jolo Tayao, Benedict Matarawan, Christina Mae Pineda, Paul Jayson Duya, Merg Laus, Jaron Laus Lemuel Roque, Arjay Domasig, John Carlo Rivera, John Francisco, at iba pang John Does at Jane Does.
Kinasuhan din ang mga kontratista ng SYMS Construction Trading, na kinakatawan ni Sally Santos; Wawao Builders, na kinakatawan ni Mark Allan Arevalo, at IM Construction Corporation, na kinakatawan ni Robert Imperio.
Ayon kay Dizon, ang pagsasampa ng kasong malversation through falsification of public documents, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at paglabag sa Government Procurement Act laban sa mga respondents ay may kaugnayan sa limang maanomalyang proyekto sa Bulacan.
Tiniyak rin ni Dizon na simula pa lamang ito at marami pa silang taong pananagutin. Sisimulan na rin nila ang proseso ng dismissal o pagsibak sa mga sangkot dito. ( Daris Jose)