3 drug suspects, kulong sa P172K shabu sa Malabon, Valenzuela
- Published on September 13, 2025
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang tatlong drug suspects kabilang 18-anyos na teenager matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Ampot”, 42, ng Brgy., Malanday.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad dinamba ng mga operatiba SDEU ang suspek sa R. Jacinto St., Brgy., Canumay West dakong alas-5:45 ng hapon.
Ayon kay PLT Sherwin Dascil na nanguna sa operation, nakumpiska sa suspek ang nasa 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 12 pirasong 500 boodle money at P200 recovered money.
Sa Malabon, timbog naman sa mga operatiba ng Malabon Police SDEU team sina alyas “Maoy”, 45, at alyas “Totoy”, 18, sa buy bust operation sa Halaan St., Brgy., Longos matapos magsabwatan na bentahan ng shabu isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang ang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P70.040 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)