• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG inilunsad Unified 911 sa buong bansa

PORMAL nang inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kahapon ang Unified 911, na iisang emergency hotline na pinagsasama-sama ang lahat ng lokal na emergency numbers sa Pilipinas.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas, pinagsama na sa iisang linya ang tawag para sa pulis, bumbero, ambulansya o disaster response.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layon ng proyekto na gawing mas simple at mabilis ang emergency­ response. Mula sa dating 200 iba’t ibang emergency numbers, ngayon ay 911 na lang ang kailangang tandaan.
Bukod dito layon din ng ahensya na magtayo ng 8 karagdagang call centers sa loob ng 120-araw. Layunin nitong bawasan ang kalituhan at delay sa pagtugon.
Target pa ng ahensya ang 5-minutong res­ponse time, at kayang tumanggap ng tawag sa iba’t ibang wika gaya ng Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, at Tausug.
Samantala P1.4 bil­yon ang inilaan ng gob­yerno para sa unang yugto ng proyekto na may kasamang dagdag na sasak­yan, drones, at push-to-talk radios para sa mga res­ponder.