• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinagbunyi at ikinarangal ang pamana ng kanyang namapayang ama sa pamamagitan ng serbisyo, sakripisyo

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sambayanang filipino na mabuhay na inilalarawan ang serbisyo, sakripisyo at may depensa sa pambansang dignidad.
Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Marcos ang ika-108 birth anniversary ng kanyang ama at kapangalan na si dating Pangulong Marcos na kanyang inilarawan bilang ‘the truest measure’ sa pagdakila sa alaala ng kanyang ama.
Sa pagsasalita sa wreath-laying ceremony sa Marcos Monument sa Batac City, Ilocos Norte, sinabi ng Pangulo na ang dating Pangulo Marcos ay nag-iwan ng ‘standard of leadership’ na naka-angkla sa debosyon ng bansa at pagiging hindi makasarili.
“It is a legacy of service. It is a legacy of sacrifice,” ayon kay Pangulong Marcos.
“If you are going to be a good Filipino, then you must be willing to sacrifice everything, including your life, for the Filipino, for the Philippines,” aniya pa rin.
Binigyang diin ng Pangulo na bahagi ng nasabing pamana ang walang tigil na depensa ng dignidad ng Pilipino.
“We will not allow any great power, nor any person, to humiliate or put down a Filipino,” the President said. “We must always fight for the dignity of every Filipino and for the dignity of our country,” ang pahayag nito.
Idinagdag pa ng Chief Executive na ang paggunita sa buhay ng kanyang ama ay dapat na hindi nakakulong sa isang seremonya kundi dapat na isabuhay sa pamamagitan ng pang-araw-araw na konkretong aksyon ng serbisyo sa iba.
“We are only worthy of that legacy if we live a life of service, if we live a life of commitment, if we live a life of sacrifice for our people,” ang tinuran ng Pangulo.
Inalala din nya kung makailang beses na pinaaalalahanan siya ng kanyang ama na “make your own way” sa halip na sumunod sa isang road well-trodden, sabay sabing ang pagtahak ng bagong daan ay mahalaga para sa progreso.
“If you want to bring a better life to Filipinos, you must find your own path,” anito.
Sa kabilang dako, ang paggunita ay nagsimula sa Thanksgiving Mass sa Immaculate Conception Parish, sinundan ng wreath-laying sa Marcos Monument.
Samantala, matapos ito ay mamamahagi ang Pangulo ng medical equipment sa mga lokal na pamahalaan, sasaksihan ang culinary showcase ng Ilocano vegetable dishes, at tatanggap ng floral crown at traditional Ilokano serenade bilang bahagi ng Marcos Day celebrations.
(Daris Jose)