Bagong overtime pay guidelines sa mga guro, napapanahon
- Published on September 11, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na napapanahon ang bagong guidelines ng Department of Education (DepEd) ukol sa overtime pay para sa mga public school teachers upang masiguro na makakatanggap ang mga ito ng tama at patas na kompensasyon para sa kanilang serbisyo.
Pinapurihan din ni Romualdez ang DepEd sa ginawa nitong pagtugon sa matagal na panahon na panawagan ng mga public teachers na mabayaran ang trabahong kanilang ginawa na lagpas sa kailang regular na schedules.
Ang pagpapalabas ng guidelines ay nging mas espesyal kasabay na rin sa selebrasyon ng 2025 National Teachers’ Month ngayong September.
“Hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng ating mga guro bilang pangalawang magulang ng ating mga anak at taga-hubog ng kanilang kamalayan. Kadalasan ay higit pa ang oras na ginugugol nila sa trabaho, magampanan lang ang tungkulin na ilabas ang talino at talento ng ating mga mag-aaral,” ani Speaker Romualdez.
Ipinapakita rin aniya ng ipinalabas na bagong guidelines ang commitment ni Pangulong Marcos na iangat ang kapakanan at dignidad ng mga guro sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
“The Marcos administration is showing that it listens to the needs of our teachers and acts decisively to address them. Ang bagong patakaran na ito ay patunay na pinapahalagahan ng gobyerno ang ating mga guro—ang mga huwarang lingkod-bayan na patuloy na naglilingkod nang buong puso,” dagdag nito.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 26, series of 2025, ang mga guro ay mabibiyayaan ng 125% ng kanilang actual hourly rate para sa authorized overtime work kapag weekdays at 150% naman para sa trabahong ginawa ng Saturdays, holidays at non-working days.
Sakop ng polisiya ang lahat ng DepEd-employed teachers na nagtatrabaho ng full-time classroom teaching, kabilang na yaong nasa Alternative Learning System, magingito ay permanent, substitute, o provisional appointments. Ang overtime ay papayagan sa mga pagkakataon na hindi natapos ang trabaho na direktang nakakaapekto sa learner development o school operations.
Umaasa naman si Romualdez na ipagpapatuloy ng DepEd, sa ilalim ni Secretary Sonny Angara, ang mga reporma na babawas sa administrative load ng mga guro at mapaganda ang welfare ng mga ito. (Vina de Guzman)