LUXURY CARS NG DISCAYA, POSIBLENG KUMPISKAHIN
- Published on September 11, 2025
- by @peoplesbalita

Sinabi ni customs Commissioner Ariel Nepomuceno na inihahanda na ang warrant of seizure and detention sa mga ito.
Partikular dito ang 8 na luxury vehicles na lumabas sa paunang imbestigasyon ng BOC na walang import entry sa bansa at wala ring certificate of payment na pruweba na binayaran ang kaukulang buwis ng mga ito.
Ayon naman kay Customs Spokesperson Asst Comm Vincent Maronilla , posibleng smuggled ang mga ito na misdeclared o hindi dumaan sa mga pantalan.
Dagdag pa ni Commissioner Nepomuceno, may import entry ang 7 rin na sasakyan pero wala namang sertipikasyon na binayaran ang buwis sa pagpasok nito
Isasailalim aniya sa post clearance audit ang naturang mga sasakyan pati ang mga transaksyon ng consignee para malaman kung sangkot sila sa kuwestyunableng transaksyon
Sinabi pa ni Nepomuceno na bibigyan din ng 15 araw na deadline ang mga consignee o nagpasok ng mga sasakyan para maglabas ng mga dokumento na lehitimong dumating sa bansa ang naturang mga sasakyan
Bagama’t may mga dokumento ang 14 pang sasakyan, sasailalim pa rin sa post clearance audit ang mga ito para matiyak na lehitimo ang mga dokumento maging ang proseso ng importasyon
Sa 30 sasakyan ng mga Discaya na nasa kustodiya ng BOC, ang pinakahuling nakuha na Mercedes Benz Maybach ay isasailalim pa lamang sa imbestigasyon
Dumaan aniya sa pantalan sa Batangas, Cebu, Maynila at Manila International Container Port (MICP) ang mga sasakyan habang ang 8 na walang dokumento ay hindi matiyak kung paano nailusot sa bansa.(Gene Adsuara)