Umalma na rin si Maine dahil sa pambabatikos: Cong. ARJO, mariing itinanggi ang alegasyon ng mag-asawang DISCAYA
- Published on September 11, 2025
- by @peoplesbalita

Ang pagsasangkot ay ginawa ng mga Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee inquiry nitong Lunes, Setyembre 8, 2025, kasama pa ng ilan pang politiko.
Sa official statement na nilabas ng actor-politician sa pamamagitan ng Instagram post, sinabi nito na…
“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor.
“I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito.
“I have never used my position for personal gain. And I never will.
“I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”
Samantala, umalma ang TV host-actress na si Maine Mendoza sa mga pambabatikos na natatanggap niya ngayon at kanyang asawa.
Naglabas nga ng pahayag si Maine, sa kanyang post sa X (dating Twitter), at sinabi nito na “baseless allegations” ang mga paratang laban kay Cong. Arjo.
“Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out.
“I am with my husband in this. Wala siyang ginagawang masama sa loob.
“He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning,” pahayag niya.
Dagdag pa ng ‘Eat Bulaga!‘ host, “I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess.
“Napaka unfair.“
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Papa Art Atayde na isinangkot din sa isyu, maging ang kanyang asawa, ang aktres na si Sylvia Sanchez, tungkol nga sa akusasyon ng mag-asawang Discaya.
(ROHN ROMULO)