• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot, kulong sa droga, patalim sa Caloocan 

SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng patalim at shabu sa Caloocan City.
Kinilala ni P/Lt. Col. Emmanuel Gomez, hepe ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang mga suspek na sina alyas “Ian”, 31, ng Dagohoy St., Brgy., 77 at alyas “Ace”, 24, ng Brgy., 73.
Ayon kay Lt. Col. Gomez, habang nagsasagawa ng anti-criminality kontra Robbery hold-up sa Lapu-Lapu St., Brgy., 79, ng lungsod nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglabas umano ng patalim habang sinusundan ang isang babae dakong alas-12:55 ng madaling araw.
Kaagad inaresto ng mga tauhan ni Lt. Col. Gomez ang mga suspek at nakumpiska kay alyas Ian ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3 grams ng hinihinalang shabu habang nakuha naman kay alyas Ace ang isang patalim.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa BP 6 (Illegal Possession of bladed, pointed or blunt weapons) at paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)