• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:05 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinalabas na ang opisyal na listahan ng 2026 holidays

HINDI pa nagtatagal ang pagsilip ng buwan ng Setyembre ay ipinalabas na ng Malakanyang ang opisyal na listahan ng regular holidays at special non-working days para sa taong 2026.
Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, nito lamang Setyembre 3 ang Proclamation 1006, naglalaman ng listahan ng holidays para sa susunod na taon.
Base sa proklamasyon, ipinalabas araw ng Huwebes, ang mga sumusunod na petsa ay deklaradong regular holidays at special non-working days:
Regular Holidays:
January 1 (Huwebes) – New Year’s Day
April 2 – Maundy Thursday
April 3– Good Friday
April 9 (Huwebes) – Araw ng Kagitingan
May 1 (Biyernes) – Labor Day
June 12 (Biyernes) – Independence Day
August 31 (huling Lunes ng Agosto) – National Heroes Day
November 30 (Lunes) – Bonifacio Day
December 25 (Biyernes) – Christmas Day
December 30 (Miyerkules) – Rizal Day
Special (Non-Working) Days:
August 21 (Biyernes) – Ninoy Aquino Day
November 1 (Linggo) – All Saints’ Day
December 8 (Martes) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Huwebes) – Last Day of the Year
Additional special (non-working) days:
February 17 (Martes) – Chinese New Year
April 4 – Black Saturday
November 2 (Lunes) – All Souls’ Day
December 24 (Huwebes) – Christmas Eve
Sa kabilang dako idineklara naman ng Proclamation 1006 ang Feb. 25, 2026 (Miyerkules) bilang special working day, bilang paggunita sa 40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, na naghatid sa “political, social, and economic reforms in the country.”
Inatasan naman ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng ‘implementing guidelines’ para sa proklamasyon, na kagyat na magiging epektibo.
Ayon pa rin sa Proclamation 1006, ang proklamasyon na nagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang ng
Eidul Fitr at Eidul Adha ay ipalalabas matapos na madetermina ang approximate dates ng Islamic holidays, alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa pamamagitan ng Islamic astronomical calculations, alinman ang naaangkop.
Irerekumenda naman ng National Commission on Muslim Filipinos sa Pangulo ang aktuwal na petsa ng mga holiday na ito kung saan babagsak.
Sa ilalim ng proklamasyon, ang Feb. 17. 2026 ay maaaring ideklara bilang special (non-working) day nang walang idudulot na masama sa public interest, habang ang Chinese New Year ay isa sa “most revered and festive events” na ipinagdiriwang hindi lamang sa Tsina kundi sa Pilipinas.
Nakasaad sa proklamasyon na Black Saturday, babagsak sa April 4, 2026, ay tradisyonal na idineklara bilang special non-working sa buong bansa, bilangpangingilin sa Mahal na Araw, itinuturing bilang “one of the most cherished traditions of our predominantly Catholic people.”
Sa bisa ng Republic Act 9256, ang Aug. 21 ng bawat taon ay deklaradong national non-working holiday para gunitain ang death anniversary ni dating Senador Benigno S. Aquino Jr.
Ang Disyembre 8 ng bawat taon ay ipinagdiriwang bilang special non-working holiday sa buong bansa para gunitain ang Kapistahan ng Immaculate Conception of Mary.
Samantala, ayon pa rin sa Proclamation 1006, idinedeklara ang Nov. 2, 2026 (Lunes) at Dec. 24, 2026 (Huwebes) bilang karagdagang special non-working days sa buong bansa “will strengthen family ties by providing more time for the traditional All Saints’ Day, All Souls Day activities, and Christmas Day activities, as well as promote domestic tourism.”
Ang kopya ng Proclamation 1006 ay inilathala sa lokal na pahayagan na Manila Bulletin. ( Daris Jose)