• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko sa mga contractors:  Bayad buwis o blacklisted

ITO naman ang babala si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga contractors ng flood control na may unpaid taxes o utang sa city government na umaabot sa P247 milyon.
Sa press conference na isinagawa, sinabi ni Domagoso na batay sa report ng Office of the City Treasurer, nasa 305 contractors ng flood control projects ang hindi pa nagbabayad ng kanilang obligasyon sa city government na umaabot sa P247 milyon, habang siyam naman ang nakapagbayad na na umaabot sa P8.09 milyon.
Ang mga nasabing proyekto na isinagawa noong 2024at pinaglaanan ng pondo noong 2025 ay kabilang sa listahan ng SumbongSaPangulo.ph website.
“What will be the action of the city? We will make sure, paalala at babala na rin sa ibang ahensiya ng gobyerno, na itong mga hindi magco-comply na kumpanya will be blacklisted at the City Engineering Office and the Office of the City Building Official,” anang alkalde.
Dagdag pa ni Domagoso na isusumite rin nila kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang kanilang reklamo na nagdeklara na rin ng polisiya na blacklisted na ang mga tiwalang construction company.
Napag-alaman na 86 contractors ang nakatanggap na ng notice, habang 12 ang tumanggi, 192 ang pinadalhan via courier, 12 sa pamamagitan ng PhilPost at tatlo ang hindi napadalhan dahil sa pagbabago ng address.
“Ang mahirap nito, yung ordinaryong pamilya, nagpapagawa ng bahay, sinisingil ng contractor’s tax, building permit, zoning permit. But these big companies, nasanay sila na walang gobyerno sa Maynila. Those days are over,” ani Domagoso.