Naka-17 Best Actress awards na: MARIAN, nominado sa ‘Gawad Pasado’ at posibleng maka-grand slam
- Published on September 6, 2025
- by @peoplesbalita

Ang talagang inaabangan ngayon ay kung masusungkit ba ni Marian ang grand slam sa 27th Gawad Pasado ngayong October 25. Siya kaya ang palarin na mahirang na Best Actress?
May pito pang nominasyon ang ‘Balota’ sa Gawad Pasado.
Samantala, katunggali ni Marian sa Best Actress sina Lipa Gov. Vilma Santos (‘Uninvited’), Gloria Diaz (‘Lola Magdalena’), Jane Oineza (‘Love Child’), Kathryn Bernardo (‘Hello, Love, Again’) at Judy Ann Santos (‘Espantaho’).
Marami ang bumilib kay Marian ng patunayan nito na may ibubuga siya sa pag-arte sa ‘Balota’.
At sana, makalikha ang wifey ni Dingdong Dantes ng pelikula na magiging kasing level ng ‘Himala’ ni Nora Aunor, at ‘Sister L’ ni Ate Vi.
Tumatak si Marian sa ‘Balota’ pero iba pa rin yung makagawa siya ng klasikong pelikula, na sinang-ayun ng manager na si Direk Mike Tuviera ng Triple A o All Access to Artists.
***
ISA si Angelica Jones, sa mga artistang may staying power ang career.
Kung yung ibang kasabayan niya ay namahinga na at wala ng project ay itong si Angelica ay naririyan at active pa rin.
At infairness paborito siya ng GMA na isinama siya sa top-rating action-drama series na “Black Rider” kung saan nagkasama sila ni Herlene Budol. At pinasalamatan pa nga siya ni Herlene dahil raw sa kanya ay nanalo itong Best Supporting Actress sa isang award giving body.
Madalas ding kunin guest si Angelica sa ‘Wish Ko Lang’ at iba pang shows ng Kapuso Network. Nakagagawa pa rin ng movie si Angelica at laging maganda ang role na ibinibigay sa actress-comedianne-singer at politician. Kaya’t very thankful ito sa mga producer na kumukuha sa kanya at siyempre sa GMA.
At sa kabila ng pagiging aktibo pa rin ni Angelica sa showbiz ay patuloy pa rin ang paglilingkod niya sa mga mamayan ng Laguna kung saan Board Member siya sa 3rd District ng Laguna.
At parating gabay niya rito ang mga kilalang politiko sa Laguna at siyempre ang kanyang Mommy Beth Jones na mahigit tatlong dekada ng namamahala ng kanyang showbiz career.
In all fairness ang sipag-sipag ni Angelica talagang tutok siya lagi sa serbisyo niya sa tao, kung saan nagbibigay sila ng medical at burial assistance. May livelihood project rin sila na malaking tulong sa mga mahihirap na kababayan sa Laguna.
Sabi pa ni Angelica, na mula sa pagiging member ng ‘That’s Entertainment’ noong early 90s ay malayo na ang narating ng career at ngayon ay isa ng ganap na government official.
Inspirasyon nito ang anak na si Angelo Alarva na nasa showbiz na rin at kasalukuyang Junior High School sa La Salle, Lipa City.
(PETER S. LEDESMA)