• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:53 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala pasok na sa semis ng Guandalajara 125 Open

PASOK na sa semifinals ng Guadalajara 125 Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Italian player Nicole Fossa Huergo, 7-6(2), 6-2 sa quarterfinals.

Sa unang set ay bahagyang nahirapan si Eala laban sa 30-anyos na Italian player subalit pagpasok ng second set ay nadomina nito ang laro.

Ang nasabing panalo ni Eala ay ilang oras matapos na talunin niya si Varvara Lepchenko ng US sa round of 16.

Susunod na makakaharap ni Eala si Kayla Day ng US na gaganapin sa araw ng Sabado.

Umusad si Eala sa quarterfinals, matapos nitong dominahin ang deciding set Round of 16, laban kay Varvara Lepchenko. Ang naturang laban ay dating naudlot dahil sa mabibigat na pag-ulan.

Matapos ang ilang oras, hinarap ni Eala si Italian tennis player Nicole Fossa Huergo sa quarterfinals.

Sa naturang laban, agad gumawa ng dominanteng performance ang Pinay star at opinoste ang 7-6 win sa unang set.

Pinilit naman ni Huergo na bumangon sa ikalawang set ngunit sa ikalimang game, hawak na ni Eala ang 3-2 lead.

Pinalawig pa ito ni Eala at sa pagtatapos ng 7th game, hawak na niya ang score na 5-2 hanggang sa tuluyang matapos ang laban, 6-2.

Dahil sa panalo, si Eala na ang itinuturing na highest-seeded player sa Guadalajara Open.

Kung mananalo siya sa semis, tiyak na ang paghawak niya sa ikalawang puwesto, habang nananatili ring buhay ang kaniyang tyansa na maging champion sa naturang turneyo.