• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:09 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS, ACTION LUMAGDA   PARA SA SCHOOL-BASED FEEDING PROJECT

PUMASOK sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang A Child’s Trust Is Ours to Nurture (ACTION), Inc. para sa pagtatag ng isang community-based kitchen at Tanza Elementary School.
Lumagda si Mayor John Rey Tiangco at ACTION Founder at President Hajime Yokota sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa pormal na pagtutulungan na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng 100 piling bata mula sa Tanza ES sa pamamagitan ng Akamegane Kitchen Project.
Sa ilalim ng kasunduan, sasagutin ng ACTION ang gastos sa pagtatag at pagpapatakbo ng kusina, magbibigay ng pagkain sa mga benepisyaryo, subaybayan ang pag-unlad ng kanilang kalusugan, at magsusumite ng mga regular na ulat sa mga donor nito. Kasama sa mga sponsor Yamasato, InfiniVan, Inc., at Junnoke Kobayashi.
Samantala, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at City Health Office, ay magbibigay ng physical space, utilities, permits, training, at technical assistance upang matiyak ang ligtas at de-kalidad na paghahanda ng pagkain.
“We welcome this partnership with ACTION, Inc. and its supporters. Proper nutrition plays a vital role in learning, and through this project, we hope to give our children a better chance to achieve their full potential,” ani Mayor Tiangco.
Sinabi ni Japanese comedian and TV host Ryota Yamasato, nagsimula ang Akamegane Kitchen noong August 28, 2025. Ang pasilidad ay may tatlong locally staff hired personel na naghahain ng pang-araw-araw na pananghalia sa paaralan na idinisenyo upang matugunan mga pamantayan sa nutrisyon.
Ang proyekto ay tatakbo hanggang August 2028, kung saan ang parehong partido ay nagsasagawa ng taunang pagtatasa upang matukoy ang epekto at pagpapanatili nito.
Nagpasalamat naman si Tiangco sa ACTION at mga donor nito na ang inisyatiba aniya ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng lungsod sa kapakanan sa child welfare at education.
“This is more than just about providing meals—it is about giving our children the nourishment they need to grow healthy and learn effectively. We are grateful for ACTION’s trust and generosity, and we hope more partners will join us in uplifting the lives of Navoteño children,” aniya. (Richard Mesa)