Malaki na ang baby bump kaya 5 to 6 months na: LOVI, wala pang formal announcement sa kanyang pregnancy
- Published on September 4, 2025
- by @peoplesbalita
Kung pagbabasehan ang advertising photo ng Bench, malaki na ang baby bump niya. Tantiya namin ay parang nasa 5-6 months na rin ang pagbubuntis niya.
Wala kasing ano pang detalye. Maging si Lovi ay wala pa talagang formal announcement sa kanyang pregnancy, bukod nga sa photo shoot niya sa Bench.
Pero dahil nga may reveal na, napansin namin na yung 2 days ago na ipinost niyang video ay halatang nag-gain na siya ng weight.
Nakarampa pa si Lovi sa Bench Underwear Fashion Show noong March at siyempre, given na super sexy pa ni Lovi. Posibleng after that kunsaan siya nabuntis.
Kamakailan lang din ay nag-celebrate sila ng ikalawang taon ng kanilang kasal ng Mister na si Monty Blencowe. Kaya bonggang gift ang pagiging soon-to-be mom and dad nila.
(ROSE GARCIA)
Hindi na rin natiis ang korapsyon sa bansa:
ALDEN, nagpahayag ng kanyang saloobin, “Gising na… sobra na…”
NAKA-CHAT namin ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Katulad ng ibang mga celebrities na madalas, tahimik lang at hindi nagpapakita ng kanilang damdamin o emosyon sa mga political issues sa bansa, this time, mukhang hindi na rin natiis ni Alden.
May kinalaman pa rin sa mga corrupt pa sa kabila ng pagiging corrupt na mga contractors ng DPWH regarding flood control.
Nag-IG Story siya na background ang larawan ni Sarah Discaya at may caption na, “Gising na… sobra na…”
Kasabay nito ang pananawagan niya kung may nakakakilala raw ba sa dalawang bata? Sa kabila ng lavish lifestyle ng mga nepo babies, larawan ang 2 bata na sa murang gulang nila, nagsusumikap na mabuhay.
Maraming humanga at tumulong kay Alden na ma-locate ang dalawang bata. Kinumpirma rin ito ni Alden sa amin. Nahanap na nga raw niya. Taga-Gen San ang isang bata at sa Sultan Kudarat naman ang isa.
Hindi pa raw niya alam ang mga pangangailangan nila, pero parang plano itong puntahan ni Alden ng personal.
***
NAGUGULAT si Gladys Reyes na hindi raw pala naiintindihan ng lahat ang kaibahan ng pagpirma ng talent management at ang pagpirma sa isang network.
Binigyang-diin nga niya na sa Star Magic siya pumirma at tatlong taon ang kontrata niya rito. Ito ang tatayong manager niya, pero free siya na gumawa ng anumang proyekto kahit saan. Una, hindi siya naka-kontrata sa Kapamilya network at never rin naman daw siyang naging contract artist ng GMA-7.
Sa ngayon, meron pa kasi siyang series sa GMA, ang “Cruz vs. Cruz” kaya wala pa raw siyang alam kung ano magiging
una niyang serye.
(ROSE GARCIA)