LCSP, SUPORTADO ang 50 PORSYENTO na DISCOUNT para sa mga MINIMUM WAGE EARNERS PERO LALABANAN ang 50% TERMINAL FEE HIKE
- Published on September 4, 2025
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pagtutol ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na taasan ang airport terminal fee nang halos 50 porsyento.
Ayon sa LCSP, “masyadong mataas ang 50 porsyentong terminal fee hike, hindi porke at nag-e-eroplano ang isang commuter ay magiging madali sa kanya ang dagdag na pasanin ng mas mataas singil na ito”.
Pinapaalala ng LCSP na karamihan sa ating mga mananakay ay gipit din ang budget kaya mas marami ang pumipili sa mga “budget airlines” dahil para kahit papano ay bumaba ang babayaran nila sa pasahe. At bakit kailangan ang pasahero pa ang kailangang pumasan sa sinasabi na ang pagtaas daw ng singil sa terminal fee ay para mapondohan ang planong pagpapa-renovate or pagpapa-improve ng airports.
Lalo pa sa panahong ito, iindahin ng ating mga kababayan ang sobrang taas ng singil na ito.
Ayon sa LCSP, may mga usapin pa na dapat tutukan ang DOTr, kagaya ng matagal nang hiling na pagbaba ng pamase sa mga tren at pag disensyo ng stratehiya para lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga kalsada na sadyang nagpapahirap pa sa mga Pilipino.
Naniniwala ng LCSP na napapanahon ang at kailangan ng suporta ang panawagan ng TUCP ukol sa dalawang malaking isyung ito!
=========================
Atty. Albert N. Sadili
Spokesperson
Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)