Pinas, ‘80% closer’ para matupad ang universal healthcare –PBBM
- Published on September 4, 2025
- by @peoplesbalita

Tinukoy ng Pangulo ang progreso sa pagbuo ng isang sistema para sa ‘accessible, affordable at quality medical services.’
Ito’y matapos bisitahin ni Pangulong Marcos ang Bataan General Hospital and Medical Center sa Balanga, Bataan para i-assess ang implementasyon ng Zero Balance Billing (ZBB) program.
“I’m very happy that we are instituting this program. I think it’s been a long time coming. Malapit na tayong umabot talaga sa universal healthcare. We are 80 percent of the way. Kaunti na lang at matutupad na natin ang universal healthcare,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag matapos na bisitahin ang nasabing ospital.
Winika ni Pangulong Marcos na ang zero balance billing ay ipinatutupad na ngayon sa 78 government-run hospitals, idagdag pa rito na may 2,976 pasyente mula Bataan General Hospital and Medical Center ang nakikinabang mula sa programa.
Pinuri naman nito ang Bataan General Hospital and Medical Center para sa matagumpay na implementasyon ng zero balance billing sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga pasyente ay nadi-discharged na walang anumang inilalabas na pera na pambayad sa ospital.
“‘Pag malapit na ma-discharge ang pasyente, hinahatid sa kanila ang zero billing (When the patient is about to be discharged, zero billing is delivered to them) –another added convenience which I think we should adopt all around the country,” ayon kay Pangulong Marcos.
“I’m very glad that we’re able to do this. Talagang napakalaking bagay. Marami nang nagpupuntang ospital ngayon,” anito.
Aniya, nananatili syang committed na tuparin ang kanyang aspirasyon para sa isang matagumpay na universal healthcare system.
Tiniyak naman ng Chief Executive sa mga healthcare workers ang patuloy na suporta ng gobyerno sa mga ito.
“So’ yun ang ating binubuo na sistema for the healthcare dito sa Pilipinas. Ipagpatuloy natin ito. My aspiration, of course, is to achieve the dream of universal healthcare for all our people,” aniya pa rin.
“It’s just a question of building up the economy so we can afford it, number one, and putting in the systems. The systems are all in place,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.
Samantala, sa ilalim ng ZBB Program, ang lahat ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. na naka-admit sa basic o ward accommodations sa mga Department of Health hospitals ay hindi maglalabas ng kahit na anumang out-of-pocket expenses para sa kanilang hospitalisasyon. ( Daris Jose)