
NAYANIG at dumagundong ang tilian sa loob ng Araneta Coliseum nang hubarin ni Joseph Marco ang shirt niya sa katatapos lamang na ultimate fan meet at grand concert ng
Vivarkada sa Araneta Coliseum.
At sa kuwento ni Jerome Ponce, nahawi ang lahat ng Vivarkada Boys nang umakyat na sa stage si Joseph at naghubad.
At ang natatawang reaksyon ni Joseph tungkol dito…
“Nung una pinapasayaw nila ako, sabi ko ito lang ang kaya kong iambag kaya yun ang ginawa ko.
“At saka karamihan sa mga nanonood, bagets. Sabi ko, ‘Start ’em young.'”
Kaya naman hindi sinasadyang naagawan ng eksena ni Joseph ang ibang male stars ng Viva dahil sa kanyang pasabog na paghuhubad onstage.
Samantala, magkasama sina Joseph at Jerome sa Viva One Original series na ‘I Love You Since 1892’ kung saan si Joseph ang gumaganap na Leandro at si Jerome si Juanito with their leading lady na si Heaven Peralejo bilang Carmela/Carmelita.
Alam ni Joseph na may mga hindi pabor na sina Jerome at Heaven ang napili ng Viva para sa serye.
“Mixed emotions kasi napakadami ng interactions and at the same time, medyo may mga mababasa ka na foul language and masasakit na salita.
“Pero ang masasabi ko lang, sobrang… especially sa dalawang ito, Heaven at Jerome, sobrang proud ako sa kanila.
“They commit in a very classy way. I’ve seen how professional they are.
“Magagaling ito at hindi nila hinahayaan na ma-distract sila. Talagang naka-focus sila sa mga ginagawa nila.
“And I am just so proud of Jerome and Heaven.
“Nirerespeto nila yung karakter nila and they look up to Juanito and Carmelita, to the highest level.
“I am just really proud and thankful na makatrabaho sila.”
Naunang nag-taping sina Jerome at Heaven kaysa kay Joseph.
“At least I have more time to prepare and it’s such a luxury na marami akong time kasi hanggang ngayon, binubuo ko pa rin yung karakter ni Leandro.
“Iniisa-isa ko ang bawat karakter, kung ano ba ang relasyon ko sa mga karakter na yon.
“Paulit-ulit ko ring binabasa yung script kasi ito ang unang proyekto na mahihirapan akong mag-adlib dahil sa malalim na Tagalog.
“Hindi ko magagawa yung mga ginagawa ko sa previous projects ko.
“I am very thankful kasi ibang challenge ang kinakaharap ko ngayon. I am just so excited and eager to start taping,” saad niya.
Ang ‘I love You Since 1892’ ay sa direksyon ng kaibigan naming si direk McArthur Alejandre at sa panulat ni Binibining Mia.
Mula rin sa Studio Viva at Webtoon Productions, magsisimula na ang streaming ng serye sa September 6.
***
SI Heaven Peralejo ang bagong celebrity endorser ng online gaming app na PlayTime; paano siya nakumbinsi na tanggapin ang alok na ito sa kanya?
“PlayTime stood out to me because it champions entertainment at its core, di ba,” unang pahayag ni Heaven.
“I love that it encourages people to enjoy but at the same time with responsibility and heart.
“And so that’ s something I believe in; fun doesn’t have to be reckless.”
Natanong naman si Heaven kung saan siya busy sa kasalukuyan, bukod sa pagiging endorser ng PlayTime.
“Aside from Playtime, pinagkakabisihan po natin of course ang “I Love You Since 1892″, malapit na iyan lalabas, this September 6 na po, from Viva One.”
At dahil bahagi na siya ng PlayTime, ano ang maibibigay niyang payo sa mga kabataang tulad niya na susubok ma-entertain sa pamamagitan ng Playtime?
“So before naman, alam naman natin na ang Playtime ano sila, licensed by PAGCOR, right? And meron naman tayong KYC, right?”
Ang KYC ay nangangahulugan ng “Know Your Customer”.
Pagpapatuloy pa ni Heaven, “We comply to the guidelines, and ang advice ko would be, it’s okay to enjoy actually.
“It is okay. But at the same time dapat responsible gaming tayo.
“So iyon ang advice ko sa kanila, to find joy in little things and knowing your limits and you know when to pause and have this parang space to disconnect and be present.
Bukod kay Heaven ay nauna na maging endorser ng Playtime si Vic Sotto.
(ROMMEL L. GONZALES)