SUSPEK SA ROBBERY AT PANGGAGAHASA SA 13 MASAHISTA NG SPA, NAHULI NA!
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita
NASAKOTE na ng Pasay City Police Station ang isa sa dalawang suspek sa panloloob at panghahalay sa mga masahista ng massage parlor o spa sa Pasay Cito noong Biyernes.Dahil sa utos ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na intensibong manhunt operation sa mga suspek, natunton ng Pasay Police ang pinagtaguan ng suspek na si alyas “Jared” sa Legazpi City, Albay.
Iniharap ni Pasay City Police Chief P/COL. Joselito de Sesto ang suspek kay Mayor Emi sa press briefing, kahapon Sept 1 alas-4:00 ng hapon, pagkatapos ng isasagawang medical at booking process. ( Boy Morales Sr.)