BAGONG COURT ADMINISTRATOR, ITINALAGA NG KORTE SUPREMA
- Published on September 2, 2025
- by @peoplesbalita
ITINALAGA bilang bagong Court Administrator ng Korte Suprema si Sandiganbayan Associate Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta.
Si Associate Justice Gomez-Estoesta ang kapalit ni dating Court Ad Raul Villanueva na ngayon ay nagsisilbi nang Associate Justice ng Supreme Court.
Epektibo ang kanyang panunungkulan mula ngayong Lunes, unang araw ng Setyembre.
Bago maitalaga bilang Court Administrator ng SC, nanilbihan din si Estoesta sa Office of the Solicitor General, at naging hukom ng iba’t ibang Korte sa Maynila hanggang noong 2014 bago siya italaga sa Sandiganbayan kung saan pinamunuan niya ang Seventh Division. (Gene Adsuara)