• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI MINO-MONITOR ANG GALAW NG MGA SANGKOT SA MISSING SABUNGERO

BINABANTAYAN  ng Bureau of Immigration ang galaw ng mga sangkot  sa missing sabungeros.
Sinabi ni  Immigration spokesperson Dana Sandoval na  ipag-utos ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na i-monitor ang lahat ng mga tauhan nito lalo na ang kanilang biyahe ng mga personalidad na sangkot .
Sinabi ni Sandoval na ang naturang utos ng komisyuner ay proactive measure pa lamang dahil wala pa silang natatanggap na kopya ng immigration look out bulletin order na inilabas ng department of justice laban kay Atong ang.
Matatandaang ipinag utos na ni Justice Sec. Remulla ang pag montior sa byahe ng mga sangkot sa nawawalang sabungero base na rin sa mga pahayag at impormasyong ibinhagi sa kanila ng whistleblower na si julie patidongan.
Ang immigration lookout bulletin order o ilbo ay hindi makakapigil sa mga indibidwal na makalabas ng bansa subalit ito ay magbibigay ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa pag alis ng bansa ng isang personalidad. (Gene Adsuara)