• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 8:58 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guarantee letter (GL) gamitin sa loob ng 1 buwan – DSWD

NILINAW ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangang ubusin at gamitin sa loob lamang ng isang buwan ang guarantee letter (GL) na naipagkakaloob ng ahensiya para ipambayad sa ospital at pagbili ng gamot ng mga benepisyaryo nito.
Ito ang nilinaw ni DSWD Director Edwin Morata ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga benepisyaryo ng GL na naipagkakaloob ng ahensiya para sa hospital bills, laboratory test at pambili ng gamot.
“Kailangan talaga maubos ang halaga ng naibigay naming GL sa mga benepisyaryo nito dahil masasayang yung pondo kung hindi nila fully magagamit ito,” sabi ni Morata.
Aniya, tinatanggap ang GL ng DSWD sa mga partner hospitals at partner pharmacies sa pagbili ng gamot tulad sa Mercury drug.
Ang GL na may maximum na P150,000 ay naipagkakaloob ng DSWD sa mga indibidwal na dumaranas ng krisis, may kaya man o wala basta’t nanga­ngailangan ng kaukulang tulong mula sa gob­yerno.
Kung medical cash assistance, may maximum na P10,000 cash na naipagkakaloob sa benepisyaryo.