• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, bukas na makatrabaho ang Estados Unidos sa ‘greater extent’- PBBM

BUKAS ang Pilipinas na makatrabaho ang Estados Unidos “to an even greater extent” habang mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga miyembro ng mga bumisitang US Senate Armed Services Committee Congressional Delegation sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Mainit at malugod na tinanggap ni Pangulong Marcos sina Senator Roger Wicker at Senator Deb Fischer, binigyang diin ang “very, very close partnership” sa pagitan ng Maynila at Washington na nakayanan ang pagsubok ng panahon.
“We are greatly appreciative of all the support that the United States has given us in the face of the challenges that we in the Philippines are facing… and we hope to continue working with you to an even greater extent,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga bumisitang delegasyon.
Binigyang diin pa rin ng Chief Executive ang pangangailangan ng mas malalim na kolaborasyon hindi lamang sa bilateral level kundi maging sa pamamagitan ng multilateral arrangements sa Indo-Pacific.
Sa kabilang dako, ang pulong ay nakatuon sa pagpapalakas ng defense cooperation, pagsuporta sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at i-promote ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Para naman kay Wicker, inilarawan nito ang the Philippines-US alliance bnilang “one of the most important” at “growing in terms of closeness.”
Ang two-day visit ng mga mambabatas ay kasunod ng serye ng ‘high-level exchanges’ sa pagitan ng Maynila at Washington sa itna ng regional security tensions, partikular na sa South China Sea, kung saan ang Pilipinas at Tsina ay mayroong ‘overlapping claims’ sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.
( Daris Jose)