• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Diplomasya, hindi tanda ng kahinaan- Malakanyang

“ANG katapangan ay hindi nadadaan sa buntalan. Ang pagiging diplomatic ay hindi nagpapakita ng kahinaan.”
Ito ang tugon nang Malakanyang kasunod ng panawagan na muling isaalang-alang ng gobyerno ng Pilipinas ang paninindigan nito sa “One China” policy sa gitna ng nagapatuloy na agresibong aksyon ng Beijing sa West Philippine Sea (WPS).
“Ang direktiba ng Pangulo ay diplomacy at rule-based approach. At sinabi rin naman ng Pangulo na we are not waging any war at sinabi rin niya na hindi tayo uurong sa anumang labanan,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Sa ulat, nanawagan ang mga senador na sina Erwin Tulfo at Imee Marcos na muling busisiin ang One-China Policy ng bansa, sa gitna ng aktibidad ng China sa West Philippine Sea (WPS) at banta ng sigalot sa Taiwan Strait.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, sinabi ni Tulfo na hindi na tumutugma ang kasalukuyang polisiya sa asal ng Beijing. “I believe it is high time that we think our position if we must continue to observe this One China Policy because of the fact that we are not being respected while we respect what they want,” aniya.
Kinatigan ni Imee Marcos ang panawagan ni Tulfo. Ipinaalala niyang kinikilala ng Pilipinas ang People’s Republic of China mula pa 1975, ngunit nagpapanatili rin ng ugnayan sa Taiwan sa pamamagitan ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
“Let us remember that the One-China Policy has been in place since 1975. But the United States itself recognizes China while at the same time equipping and supporting Taiwan. This contradiction is something we cannot ignore,” paliwanag niya.
Binansagan naman ng Chinese Ministry of Defense ang Pilipinas bilang “troublemaker” sa South China Sea, kasunod ito ng kamakailan lamang na aktibidad na naglalayong palakasin ang defense cooperation sa mga kaalyadong bansa gaya ng Estados Unidos at Australia.
At nang hingan ng komento, sinabi ni Castro na hindi maaaring pigilan ng Pilipinas ang Tsina mula sa “making its own narrative.”
“But they cannot also stop us from fighting for our rights based on laws, UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea), arbitral ruling, and for our being (an) independent country,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro na ipagpapatuloy ng Pilipinas na magtiwala at panghawakan ang diplomasya at dayalogo sa pagharap sa Tsina sa usapin ng WPS. (Daris Jose)