• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na ipapasok sa rehab, nagbaon ng shabu, kalaboso 

KALABOSO ang isang lalaki na ipapasok sana sa rehabilitation center matapos mabisto ang baon umano nitong shabu sa Valenzuela City, Miyerkules ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Roger”, 35, ng Brgy., Parada.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2:30 ng hapon nang dumating sa BALAI BANYUHAY Rehabilitation Center sa San Roque St., Brgy. Punturin si alyas Roger para isailalim sa Dangerous Drug Evaluation (DDE).
Sinamahan si alyas Roger ng Barangay staff ng Brgy., Punturin at bilang bahagi ng routine check, ay kinakapkapan ng duty security guard ang suspek.
Nakumpiska ng security guard sa suspek ang isang itim na pouch na naglalaman ng dalawang plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.2 grams at nagkakahalaga ng P8,160 na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya.
Ayon kay SDEU investigator PCpl Christopher Quiao, kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II ng RA 9165 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)