• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:09 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno nangangamba sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP)

NAGPAHAYAG ng pangamba si Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno sa kawalan ng pondo sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa special human rights laws, kabilang na ang Anti-Torture Law at Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Law ng Commission on Human Rights (CHR).
Nadismaya si Diokno matapos mabatid mula kay CHR chairperson Richard Palpal-latoc sa isinagawang Committee on Appropriations briefing na sa kabila na may ilang special laws na ibinigay na karagdagang mandato sa CHR, ay wala naman itong kaukulang budget para sa implementation nito sa ilalim ng the panukalang 2026 NEP, maliban sa nasa ₱2 million na nakalaan sa gender programs sa ilalim ng Magna Carta of Women.
“In other words, for the implementation, for example…(of) the anti-torture law and the anti-enforced disappearance, there’s nothing in the NEP. It’s good that we learned that because hopefully we can do something about it,” ani Diokno kay Palpal-latoc.
Sinabi ng mambabatas na importanteng matugunan ang isyu, hindi lamang para mabalanse ang bilang kundi para na rin maipatupad ng komisyon ang kanilang mandato at pangako sa publiko.
Sa ulat ng Congressional Policy and Budget Research Department, nasa 200 batas na naipasa mula 1991 hanggang 2023 ang nananatiling unfunded o walang sapat na pondo.
(Vina de Guzman)