Mga saksi sa kampanya laban sa corruption, proteksyunan
NANAWAGAN si Bacolod Rep. Albee Benitez sa Department of Justice nailagay sa whistleblower program ang mga empleyado mula sa Department of Public Works and Highways na nagnanais tumestigo sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa isang statement na inilagay sa social media, umapela ang mambabatas sa DoJ na protektahan ang mga opisyal at empleyado ng dpwh at iba pang personalidad na may impormasyon at nais maging saksi laban sa mga sangkot sa katiwalaan.
Dapat aniya maging proactive ang justice department sa pagkuha ng mga saksi upang lalo pang mapalakas ang kaso laban sa mga naakusahang nakinabang sa ghost projects.
"Pagkakataon na ito para maisiwalat nila ang katotohanan," dagdag nito.
Una nito, nanawagan ang mambabatas kay DPWH Sec. Manuel Bonoan na akuin ang responsibilidad sa kabiguan ng programa at bumababa sa posisyon
Nakiisa din ito sa panawagan na ilabas ang ulat ng small committee sa 2025 budget, kabilang na ang pangalan ng mga miyembro at mga pagbabagong ginawa sa badyet.
(Vina de Guzman)