• April 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Luxury Cars ni Discaya, iimbestigahan ng Bureau of Customs

IIMBESTIGAHAN ng Bureau of Customs (BOC) ang 40 mga mamahaling kotse ng pamilyang Discaya.

Ang pamilya ng mga Discaya ay kabilang sa mga kumpanya na nakakuha ng kontrata sa Department of Public Works and Highways na may kaugnayan sa mga flood control projects.

Subalit  nilinaw ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na limitado lang ang kapangyarihan ng Bureau of Customs dito.

Ayon sa opisyal, tanging mga commercial establishments lamang ang sakop ng kanilang kapangyarihan kaya kakailanganin pa nila ng ibang dokumento para naman sa residential establishments. (Gene Adsuara)