• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 9:05 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tap, Scan, Gaan: Gagaan ang Commute Mo sa MRT-3 with GCash!

PAGDATING ng rush hour, kanya-kanyang hugot ng barya at hindi magkanda-ugaga sa pila ang mga Pinoy commuter. Ngayon, mas bibilis at gagaan na ang pang-araw-araw na biyahe: pwede nang gamitin ang GCash na pambayad sa MRT-3!
Natupad na sa Pilipinas ang inaasam ng marami pagdating sa biyahe: ang cashless commute na pwedeng idaan sa pag-tap o pag-scan. Sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation, puwede nang umiwas sa mahabang pila sa pagbili ng ticket, pati na rin ang pagpasok sa mismong station, salamat sa MRT fast lane na para lamang sa cashless transactions.
Siguraduhin lamang na may P28 minimum balance sa GCash wallet (katumbas ng maximum fare para sa North Avenue-Taft na biyahe), at pwede nang gamitin ang GCash sa MRT-3! Ibabawas ang P28 sa wallet pagkapasok sa MRT, at ibabalik kung mayroon man ang sukli sa iyong GCash wallet kapag nakalabas na ng MRT station. Makikita ito sa Transaction History ng GCash app.
Ngayon, hindi na kailangang maghanap ng barya o saktong pambayad dahil makikita agad ang laman ng GCash balance, puwede mag top-up kahit kailan, at diretso na ang bayad mula sa iyong GCash wallet. Higit sa lahat, pwede ka rin pumili ng paraan ng paggamit ng GCash na pinakababagay sa iyo