Mapapanood dito ang smooth na pagbuhat ni Ralph sa kanyang ka-love team sa PBB na si AZ Martinez.
Sulat ng Star Magic artist sa caption ng kanyang post, “Diretso sa pool @AZ Martinez.”Labis itong kinakiligan ng netizens, lalong-lalo na ang fans at shippers ng AZRalph.
Ang kanila namang ex-housemates na sina Esnyr at Will Ashley, tila nakainggitan pa ang ginawang pagkarga ni Ralph kay AZ.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 4.6 million views ang TikTok video.
Sa mga nakaraang interview ni AZ, ibinahagi niyang ngayong nasa outside world na sila ay mas gusto pa niyang makilala si Ralph.
***
BAGO magsimula mag-taping ang magsyotang Elle Villanueva at Derrick Monasterio sa bagong pagbibidahan nilang teleserye na ‘Sister’s Game’, nag-quick vacation muna sila sa Vietnam.
Ang pinaka na-enjoy raw ng Kapuso couples sa Vietnam ay ang kanilang food trip, shopping, at siyempre, coffee.
“Super saya, hindi ko in-expect na mag-e-enjoy ako na gusto ko siyang balik-balikan every year. And the coffee na hinahanap-hanap namin hanggang ngayon,” sabi ni Elle.
Dagdag ni Derrick, “Tumakbo kami du’n tapos pumunta kami sa isang neighborhood na ang gaganda ng mga houses, ang gaganda ng mga roads.”
Makakasama nila sa thriller-dramq series ay sina Ashley Ortega, Thea Tolentino, at Pinky Amador.
“It’s a thriller show kasi makakakita kayo ng ibang Ashley dito, tapos makikita n’yo rin kung ano ‘yung mga pagbabago sa buhay namin. On cam, siyempre, iba na rin kami rito,” sey ni Derrick.
Huling napanood na magkasamq sina Elle at Derrick sa revenge drama na ‘Makiling’noong 2024. Pareho din silang nagkaroon ng guest roles sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’.
(RUEL J. MENDOZA)