• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HIGH-VALUE DRUG SUSPECT PATAY SA PARAÑAQUE BUY-BUST OPERATION NG PDEA, 1 KILO NG SHABU KUMPISKADO

ISANG high-value drug trafficker ang napatay sa isang buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa kahabaan ng Entertainment City, New Seaside Drive, Barangay Tambo, Parañaque City noong Agosto 19, 2025.
Bandang alas-10:30 ng gabi, pinagsanib na mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A Cavite Provincial Office; PDEA Regional Office- National Capital Region (RO-NCR) Southern District Office; at Special Operations Unit ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, nagsagawa ng buy-bust operation laban sa tatlong drug personalities sa ika-18 palapag ng hotel.
Sa kasamaang palad, nanlaban ang isa sa mga suspek na si alyas “Stephen”, 50-anyos, may lahing Chinese at Filipino, at pinagsasaksak ang isa sa mga operatiba. Ito ang nagtulak sa iba pang mga arresting officer na makipagbuno sa suspek at kalaunan ay pinasuko ito. Habang nag-papambuno, nahirapang huminga ang suspek at biglang nawalan ng malay. Dinala siya sa pinakamalapit na ospital ngunit kalaunan ay namatay dahil sa atake sa puso. Sa kabilang banda, ginagamot ang sugatang ahente sa hindi pa masabing ospital sa Pasay City.
Arestado sa operasyon ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Mohamad”, isang German/Syrian national, 32 taong gulang mula sa Poblacion, Makati City, at ang kanyang Filipina cohort na si alyas “Mikhaela”, 24, residente ng Project 6, Quezon City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit isang kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride, o shabu, na may standard street price na ₱6,800,000.00, buy-bust money na ginamit sa operasyon at isang glass tooter.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia) at Section 15 (Use of Dangerous Drugs), ang isasampa sa korte laban sa mga naarestong suspek na pansamantalang nakakulong sa PDEA Regional Office IV-A custodial facility sa Santa Rosa City custodial facility. Kung mapatunayang nagkasala, habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10M ang ipapataw kina alyas “Mohamed” at alyas “Mikhaela”.
“The bravery shown by the arresting operatives in the face of a knife attack is commendable. They had the audacity to take action in spite of the dangers involved. Every single day, anti-drug operatives are putting their lives on the line to make our communities as safe as possible from illegal drugs”, sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez. (PAUL JOHN REYES)