Tulak, tiklo sa Caloocan drug bust, P80K droga, baril nasamsam
- Published on August 22, 2025
- by @peoplesbalita
BUKOD sa mahigit P80K halaga ng shabu, nakuhanan din ng baril ang isang kelot na sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, kinilala ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth ang suspek na si alyas “Tom”, 30, ng lungsod.
Ayon kay Col. Goforth, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal Drug activities ng suspek.
Dakong alas-12:10 ng hating gabi nang makipagtransaksyon umano ang suspek sa isang under police na nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa Brgy. 171, matapos tanggapin ang marked money.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 12 grams ng hinihinalang shabu na may estimated standard drug price na P81,600, buy bust money, cellphone at isang caliber .38 revolver na kargado ng bala.
Sinampahan na ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, under Article II ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng sa inquest proceedings. (Richard Mesa)