• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:24 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo, Lola at PWD DIgital Age na rin

MAKAKASABAY na sa digital age ang mga lolo, lola at PWD na maging produktibo at mabigyan ng pagkakataong lumago ang kaalaman sa digital technology.

Ito ay sa pamamagitan ng pangako ng pakikipagtulungan ng Nexus Technologies Inc. kay Manila Vice Mayor Chi Atienza sa pagpapahusay ng kaalaman sa digital technology ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa Lungsod ng Maynila.

Nangako sa bise alkalde si Juan Chua, may-ari ng Nexus Technologies Inc.na ipagagamit ang kanilang mga kagamitan nalayong matiyak na hindi maiiwanan ang mga senior ciizens at PWDs.

Sinabi ni VM Atienza na naimbitahan siya ng may-ari ng News Technology Inc .para sa proyekto na maturuan ang mga may kapansanan at matatanda na mabigyan ng skills na puwede nilang magamit sa paghahanap ng trabaho online.

Ayon pa sa bise alkalde, makakatulong din ang kanilang
partnership na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng suporta sa kalusugan sa pag-iisip, na noon pa man ay malapit na sa kanyang puso, makaraang lumikha pa siya ng hotline service para sa mga ManileƱos na nakakaranas ng magulong pag-iisip at depresyon.

"I am happy to bring opportunities to our fellow citizens to restore hope for their families," sabi ni VM Atienza.

Nakalinya rin ang naturang inisyatiba sa pangako ni VM Atienza hinggil sa kapakanan ng matatanda na isang pagpapatuloy sa legasiya ng kanyang pamilya na pagkakaloob ng serbisyo publiko kabilang ang patuloy na pagtataguyod ng pangangailangan ng mga lolo at lola.

Hinimok din niya ang ManileƱo na suportahan ang paparating na bagong hakbangin dahil nakasalalay ang paglakas ng Maynila sa pagkakaisa ang pagdadamayan. (Gene Adsuara)