PBBM nagmana ng P12.8 trilyong utang mula sa Duterte admin
- Published on August 22, 2025
- by @peoplesbalita

Ito ang isiniwalat ni Finance Secretary Ralph Recto sa briefing ng economic team ng administrasyon sa House Committee on Appropriations sa pagsisimula ng pagtalakay sa panukalang P6.793 trilyong 2026 national budget.
Sa kasalukuyan ay nasa P16.76 trilyon ang kabuuang pagkakautang ng Pilipinas hanggang nitong Abril 2025.
Sa kabila nito, sinabi ni Recto na kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asya ay mas mababa ang pagkakautang ng Pilipinas sa foreign at domestic.
Ayon kay Recto, ang pinakamalaki ang pagkakautang ay ang Japan na nasa P485.94 trilyon; Singapore P53.68 trilyon; South Korea P46.89 trilyon; Indonesia P31.37 trilyon at Thailand P17.73 trilyon.
Nasa 69% ng outstanding debt ng Pilipinas ay domestic.
Hindi naman dapat mabahala ang mga Pilipino dahil ang nasabing pagkakautang ay galing mismo sa sarili natin na ang ibig sabihin ang interes na ibinabayad ay napupunta rin bilang dagdag na kita ng ating mga kababayan. ( Daris Jose)