• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:58 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bangkay ng nag-suicide na nursing student, lumutang sa ilog sa Malabon

NATAGPUANG nakalutang sa ilog ang bangkay ng 21-anyos na binatang nursing student matapos ang umanong pagpapatiwakal sa Malabon City, Lunes ng umaga.
Lumabas sa imbestigasyon na bandang alas-7:35 ng umaga nang madiskubre ng isang barangay tanod ang paglutang ng katawan ng 2nd year college student na si alyas “Anton” residente ng Brgy. San Antonio, Quezon City, sa Tanong River sa C-4 Road, Brgy. TaƱong na kaagad niyang inireport sa pulisya.
Sa ulat nina P/MSg. Mardelio Osting at SSg. Sandy Bodegon , may hawak ng kaso, kay Malabon police chief P/Col Allan Umipig, bago ang pagpapatiwakal ay gumawa muna umano ng 12-pahinang suicide note si Anton na nagdedetalye sa mga kapighatian niya sa buhay at hiniling sa pamilya na huwag ng hanapin ang kanyang bangkay.
Marami umanong inilagay sa suicide note ang binata na may kaugnayan sa dinaranas na kasawian, kabilang na ang problema sa pag-ibig, at iba pang kapighatian, kasabay ng kahilingan sa pamilya na kung sakaling makita ang kanyang bangkay, kaagad itong i-cremate at huwag ng paglamayan.
Ayon sa pulisya, binura lahat ng biktima ang lahat ng laman ng kanyang laptop, maliban sa kanyang suicide note at hindi nagdala ng anumang pagkakakilanlan kaya’t tanging ang suot lamang niyang itim na leather jacket na may hoodie, itim na pantalon, at sapatos ang iniwan niyang palatandaan.
Inamin naman sa pulisya ng ama ng biktima na dumaranas na matinding depresyon ang anak at minsan na rin umanong tinangkang magpatiwakal bagama’t kanila naman umanong naagapan. (Richard Mesa)