DBM naglabas ng P2.76-B para sa COVID-19 vaccines
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Base sa latest data ng DBM, hanggang noong, Enero 14, 2021, inilabas ang special allotment release order (SARO) noong Disyembre 28, 2020, na nagkakahalaga ng P1.49 billion.
Ang halagang ito ay advance payment sa biniling bakuna sa ilalim ng $100-million Covid-19 emergency response project loan sa World Bank noong nakaraang taon.
Bukod dito, isa pang Saro ang inilabas ng DBM para sa DOH noong Disyembre 28, 2020 na nagkakahalaga naman ng P1.27 billion bilang advance payment sa bibilhing bakuna sa pamamagitan ng $125-million loan sa Asian Development Bank. (Gene Adsuara)