• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:24 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, muling inayos ang ‘top economic policymaking body’

NAGPALABAS ang Malakanyang ng isang administrative order na muling magsasaayos sa komposisyon ng Economy and Development Council (dating kilala bilang NEDA Board) at komite nito para palakasin ang government coordination sa pagpapatupad ng socioeconomic policies at mga programa.
Sa katunayan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Administrative Order No. 37, noong Aug. 13, tinukoy ang pangangailangan para sa “ensure continuity in the integration, coordination, and implementation of various socioeconomic policies and programs of the government.”
Inamiyendahan ng kautusan ang umiiral na setup ng Konseho, orihinal na nilikha sa ilalim ng Executive Order No. 230 (s.1987), bilang huling binago ng EO No. 49 (s. 2023) at Administrative Order No. 25 (s. 2024).
Sa ilalim ng bagong AO, ang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) ay uupo bilang miyembro ng Economy and Development Council.
Itinalaga rin nito ang SAPIEA, si Frederick Go, bilang chairperson ng Economic Development Committee — ngayon ay pinangalanan na Economic Development Group.
Ang SAPIEA ang kakatawan sa Office of the President (OP) sa apat na mahalagang komite: Development Budget Coordination Committee (DBCC), Investment Coordination Committee (ICC), Infrastructure Committee (InfraCom), at Social Development Committee (SDC).
Ang mga Kalihim naman ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) at Department of Finance ang tatayo bilang vice chairpersons.
Ang mga Kalihim ng departamento ng Finance at Budget and Management ang pinangalanan bilang co-chairpersons ng DBCC.
Samantala, ang Agrarian Reform secretary, Technical Education and Skills Development Authority director-general, at National Anti-Poverty Commission lead convenor ay kasama na sa SDC.
Pinangalanan din sa AO ang mga Kalihim ng Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources bilang mga bagong miyembro ng Tariff and Related Matters Committee.
Samantala, nakasaad naman sa AO 37 na ang eorganization “shall be effective beginning 27 April 2025” at inatasan ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya na kaagad na magpatupad ng pagbabago. ( Daris Jose)