• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ininspeksyon ang P100-M solar irrigation project sa Leyte

ININSPEKSYON ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes, ang solar project sa Ormoc City, Leyte.
Kasama ng Pangulo si National Irrigation Administration administrator Eduardo Guillen na nagsagawa ng site visit sa RM Tan Solar Pump Irrigation Project, na may kabuuang project cost na P100 million.
Layon ng proyekto na magbigay ng irrigation water sa 100 ektarya ng lupang sakahan, na magtitiyak ng sapat na suplay para sa dalawang ‘cropping seasons.’
Ang irigasyon ay mapakikinabangan ng 92 lokal na magsasaka kabilang na ang kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga magsasaka ay hindi na aasa o sasandal pa sa diesel-powered motor pumps para sa irigasyon.
Maliban sa cost-efficient, ang solar projects ay ‘environmentally friendly’ at magpapatibay sa dedikasyon ng NIA pagdating sa ‘renewable energy development.’
Matatandaang, buwan ng Mayo, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng solar-powered irrigation sa pagpapanatili ng agrikultura, sabay sabing sa oras na maikabit at humugot ng eletrisidad mula sa araw, hindi na kailangan ang crude oil. (Daris Jose)