• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, palalawakin ang P20 kada kilo ng bigas sa mga mangingisda simula August 29

KASAMA na ang mga mangingisda sa listahan ng mga benepisaryo na maaaring mag-avail ng P20 kada kilo ng bigas.
Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA), araw ng Lunes na ang mangingisda ay bahagi na ng listahan ng mga benepisaryo ng “Benteng Bigas, Meron Na!” simula August 29.
“This will start in fish ports,” ayon sa DA.
Inilarawan naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang P20 rice initiative bilang “biggest challenge” ng DA sa mga nakalipas na taon.
Aniya pa, habang ang programa ay napakikinabangan na ng halos 400,000 pamilya, kailangan pa rin nito ng “full support” mula sa buong ahensiya.
“We have the stocks. We have the budget. What we need now is urgency and unity,” ang sinabi ni Tiu Laurel, tinukoy ang P10-billion increase sa rice program funding sa ilalim ng panukalang 2026 national budget.
Kung matatandaan, ang rice program ng gobyerno ay orihinal na limitado lamang para sa mga lolot’ lola , persons with disabilities, solo parents and indigents.
Pagkatapos noon ay pinalawig upang isama ang minimum wage earners, mga benepisaryo ng Walang Gutom program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga magsasaka at farm workers na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Sinabi ng DA na “that in the three days since the launch of the Benteng Bigas, Meron Na para sa mga Magsasaka, a total of 70 metric tons of rice sourced from the National Food Authority has been sold to rice farmers and farm workers.” ( Daris Jose)